Aktor arestado matapos 'molestiyahin' ang inaanak | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Aktor arestado matapos 'molestiyahin' ang inaanak

Aktor arestado matapos 'molestiyahin' ang inaanak

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 14, 2018 11:26 AM PHT

Clipboard

MAYNILA - Arestado ang isang aktor na dati ring barangay kagawad matapos akusahan ng pangmomolestiya sa kaniyang inaanak sa Barangay North Fairview, Quezon City.

Ayon kay Supt. Benjamin Gabriel, commander ng Quezon City Police District (QCPD) Station 5, nagpa-load ang 10-anyos na biktima sa tindahan ng 58-anyos na suspek nang bigla na lamang itong hinalikan sa labi.

Agad na nagsumbong ang bata sa kaniyang mga magulang at kapitbahay.

Hinuli ng mga pulis ang suspek batay sa reklamo ng mga magulang ng bata.

ADVERTISEMENT

Inamin ng suspek ang ginawa nitong paghalik sa biktima at humingi ng tawad sa kaniyang nagawa.

Desidido ang pamilya ng biktima na sampahan ng kaso ang suspek.

Ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, director ng QCPD, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Napasama umano ang suspek sa ilang mga pelikula ni Dolphy. - ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.