PatrolPH

Capiz governor muling nagpositibo sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Apr 13 2021 10:02 PM

Capiz governor muling nagpositibo sa COVID-19 1
Si Capiz Gov. Esteban Contreras. Larawan mula sa Facebook page ni Capiz Gov. Esteban Contreras.

Nagpositibo muli sa COVID-19 si Capiz Gov. Esteban Contreras, ayon sa isang opisiyal ng lalawigan nitong Martes.

Ayon kay Capiz Provincial Administrator Dr. Edwin Monares, lumabas nitong Martes lang ang positive result ng swab test ni Contreras, na asymptomatic.

Unang nagpositibo sa naturang sakit si Contreras noong Agosto 2020.

Pansamantalang isinailalim sa lockdown ang Governor's Mansion ng Capiz para sa disinfection.

Naka-home quarantine na ngayon ang gobernador at patuloy ang contact tracing sa mga close contact nito.--Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.