600 bahay nasunog sa Bacoor, Cavite | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
600 bahay nasunog sa Bacoor, Cavite
600 bahay nasunog sa Bacoor, Cavite
Wheng Hidalgo,
ABS-CBN News
Published Apr 13, 2021 06:45 PM PHT
|
Updated Apr 14, 2021 09:59 AM PHT

MAYNILA - Nasunog ang higit kumulang 600 bahay sa Barangay Panapaan-3 sa Bacoor, Cavite nitong Martes.

Pasado ala-una ng tanghali nang sumiklab ang sunog sa Sitio Tibag at natupok ang higit kumulang 600 na bahay, kung saan nasa 1,000 pamilya ang naninirahan.

Ayon sa inisyal na impormasyon ng mga residente, nagmula ang apoy sa isang bahay sa gitnang bahagi ng sitio kung saan may nagluluto sa itaas ng bahay.

Mabilis kumalat ang apoy dahil dikit-dikit ang mga barung-barong na karamihan ay gawa sa light materials. Mainit din ang panahan nang magsimula ang sunog.

Pasado alas-kwatro nang makontrol ang sunog habang ang ibang mga residente ay patuloy ang pagbuhos ng tubig sa kanilang mga bahay.

Marami ang walang naisalbang gamit dahil agad silang tumakbo palabas ng bahay. Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection at ng barangay kung may nasaktan o namatay sa sunog.

Ang ibang residente ay nagsimula nang balikan ang kanilang bahay at tinitignan kung may maisasalba pa sila. Ang iba na nakasalba ng gamit ay itinabi sa kalsada at sa bakanteng lote ang kanilang gamit habang ang isang miyembro ng kanilang pamilya ay pumila na para magpalista sa evacuation center sa Gov. F. Espiritu Elementary School sa bahagi na ng Panapaan 2.

Umabot na sa kalye sa labas ng eskwelahan ang pila ng mga residente.

Ayon kay Kagawad Ronald Reyes, gagamitin ang 50 kwarto ng eskwelahan para sa mga nasunugan at titiyaking masusunod ang health protocols.

Kaya dalawa hanggang apat na pamilya lang ang pwedeng umokupa sa isang kwarto depende sa laki nito.

Nananawagan ng tulong ang mga nasunugan.

RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT