Kotse na nabiling 'brand new,’ rehistrado na sa ibang tao | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kotse na nabiling 'brand new,’ rehistrado na sa ibang tao

Kotse na nabiling 'brand new,’ rehistrado na sa ibang tao

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 15, 2018 08:26 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pinaiimbestigahan ngayon ng Land Transportation Office (LTO) ang dealer at ahente ng sasakyan na ibinenta sa kliyente bilang "brand new" ngunit nabistong nakarehistro na pala sa ibang may-ari.

Kuwento ni Joseph Guion, Disyembre 7, 2017 nang ihatid sa bahay niya ang kotseng Hyundai na modelong Accent na binili ng kaniyang pamilya.

Hindi pa noon ibinigay ng dealer at ahente ang kanilang official receipt (OR) at certificate of registration (CR) dahil pinoproseso pa raw ito sa LTO.

Hanggang sa lumipas ang higit isang buwan, hindi pa rin naibibigay sa kanila ang mga dokumento ng sasakyan.

ADVERTISEMENT

"Sinisingil namin ang dealer kung nasaan na [ang papeles]. Buwan-buwan nagbabayad kami tapos wala man lang maipakitang OR at CR? Sagot nila lagi nasa LTO na ang papeles," ani Guion.

Nang magpatulong si Guion sa LTO, nalamang Pebrero 2018 pa nakarehistro na sa LTO ang kaniyang sasakyan pero sa iba ito nakapangalan.

"Nagulat kami...Hindi pala nakapangalan sa amin 'yung kotse. Para kaming carnapper ganoon? Paano kung may mangyari sa sasakyan? Kaya hindi namin magamit-gamit, nasa garahe lang," ayon sa complainant.

Ayon kay Guion, ang tanging sagot lang ng dealer ng kotse sa kaniya ay pinoproseso na sa LTO ito para mapalitan ang pangalan.

Pero ayon sa hepe ng LTO na si Edgar Galvante, kataka-taka na maipapangalan sa hindi tamang may-ari ang isang kotse.

Bilang tugon, pinaiimbestigahan niya ngayon ang dealer at ahente ng sasakyan.

"Para malaman natin bakit nangyari ang ganiyan...Kasi kung anong sinabmit sa amin na pangalan, 'yun din ang irerehistro namin...Puwede naming bawiin ang kanilang permit kung ganiyan," ani Galvante.

Nagsampa na rin ng kasong estafa sa Cainta Municipal Trial Court si Guion laban sa dealer at ahente ng sasakyan.

Tumangging magpa-interview sa harap ng kamera ang dealer at ahente ng kotse dahil nasa legal team na raw nila ang kaso.

Nilinaw ng dealer na brand new ang sasakyan na inihatid sa bahay ni Guion pero wala pa silang maisasagot kung bakit nakapangalan ito sa ibang tao.

Pinuntahan ng ABS-CBN News ang address ng nakapangalan sa rehistro at napag-alaman na bumili rin siya ng parehong sasakyan at nasa kaniya na ang kaniyang unit.

Pero gaya ni Guion, wala pa rin itong OR at CR. Hindi rin niya alam kung paano napasama ang kaniyang pangalan sa rehistro.

--Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.