Mga nasawi sa Bagyong Agaton sa Baybay City, umabot sa 36: LGU | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga nasawi sa Bagyong Agaton sa Baybay City, umabot sa 36: LGU

ABS-CBN News
Published Apr 12, 2022 08:00 PM PHT
|
Updated Apr 12, 2022 08:36 PM PHT

(UPDATE) Umabot na sa 36 tao ang nasawi sa Baybay City, Leyte dahil sa pananalasa ng Bagyong Agaton, sabi ngayong Martes ng local government unit (LGU).

Pero pinangangambahang posible pang madagdagan ang bilang ng mga nasawi, ayon sa LGU, na humiling din ng pagkain, maiinom na tubig, damit at mga gamot para sa mga residenteng apektado ng bagyo.

May 5 residential area sa lungsod na nakaranas ng landslide o pagguho ng lupa.

Isa rito ang Barangay Bunga, kung saan 18 ang natabunan nang gumuho ang lupa sa bundok sa likod ng 6 na bahay at isang manukan.

Anim na ang bangkay na narekober sa Barangay Bunga.

Sa panayam ng TeleRadyo, sinabi ni Mayor Jose Carlos Cari na nagkaroon din ng pagguho sa bulubundiking Barangay Kantagnos.

"Doon kami naka-concentrate ngayon dahil maraming survivors. Kasi 2 beses nag-landslide. May maliit na landslide. Nakatakbo pa 'yong mga tao, bago sinundan ng isang malaking landslide na tumabon na sa buong barangay," ani Cari.

Noong Lunes, puspusan ang rescue operations ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Baybay City.

Apektado pa rin ng bagyo ang maraming lugar sa Leyte at mga karatig-lugar.
Apektado pa rin ng bagyo ang maraming lugar sa Leyte at mga karatig-lugar.
ADVERTISEMENT
Sa Jaro, Leyte, nakuhanan ng video at mga larawan ngayong Martes ang rumaragasang baha sa Cabayongan River.

Sa Inopacan, nasira ang 2 tulay dahil sa pagbaha dulot ng walang tigil na ulan.

Sa Silago, Southern Leyte, apektado ang supply ng maiinom na tubig matapos masira ang water system sa Barangay Imelda matapos ang landslide.

Sinagip din ng PCG ang mga residenteng na-trap sa bahay sa Abuyog, Leyte.

Pitong pamilya rin ang sinagip sa Tacloban City sa kasagsagan ng baha.

— Ulat ni Sharon Evite
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT