Barangay tanod patay; 4 residente sugatan sa sunog sa Pasig | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Barangay tanod patay; 4 residente sugatan sa sunog sa Pasig

Barangay tanod patay; 4 residente sugatan sa sunog sa Pasig

Jeffrey Hernaez,

ABS-CBN News

Clipboard

Na-retrieve ng mga awtoridad ang katawan ng barangay tanod na namatay sa sunog sa Pasig.
Na-retrieve ng mga awtoridad ang katawan ng barangay tanod na namatay sa sunog sa Pasig.

MAYNILA — Nasawi ang isang barangay tanod matapos hindi makalabas sa nasunog nitong bahay sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City ngayong Martes.

Kinilala ang biktima na si Allanoden Boriongan, 42 anyos.

Ayon sa anak ng biktima na si Norhan, inakala ng kanyang tatay na na-trap sa loob ng kanilang bahay ang nakababatang kapatid.

Hanggang sa lumakas ang apoy at magbagsakan ang mga nasunog na kahoy kaya hindi na nito nagawang makalabas.

ADVERTISEMENT

"May narinig daw po siyang umiyak na bata, tapos binalikan niya po doon. Na-trap po siya sa loob, hindi na nakalabas," aniya.

"Ang pagkakaalam niya kasi,nandun pa yung anak niya, so nung pumasok sa loob, hindi na siya nakalabas, natagpuan natin yung cadaver ng BSF (Barangay Security Force) natin, doon mismo sa loob ng bahay niya," ayon naman kay Police Captain Catalino Gazmen Jr., Officer-in-Charge ng Substation 5.

Isa ang bahay ni Boriongan sa 55 bahay na nasunog. Sa tala ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog, na umabot sa ikatlong alarma, pasado alas-12 ng umaga at naapula 1:12 ng tanghali.

Ayon kay Gazmen, iniulat ng ilang residente na ilang bata ang nagpapaapoy ng kahoy dahilan para pagsimulan ng sunog.

"Sabi ng mga taga dito, ng mga nasunugan, mga bata na naglalaro ng apoy. Tapos biglang sumiklab ang apoy, ang mga bahay kasi dito (gawa sa) light materials, kaya mabilis na kumalat ang apoy," aniya.

Ayon naman sa pulisya, 4 na residente naman ang nasugatan dahil sa insidente.

Tiniyak naman ni Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office Chief Bryant Wong ang tulong mula sa lokal na pamahalaan.

"Ang city government po, naka ready na yung tulong, yung mga food, non-food, kitchen ware, naka-ready na," aniya.

Read More:

Pasig

|

sunog

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.