PatrolPH

Teenager patay matapos mabangga ng cargo truck sa Butuan City

ABS-CBN News

Posted at Apr 11 2021 11:47 AM

Teenager patay matapos mabangga ng cargo truck sa Butuan City 1
Patay ang isang lalaki matapos mabangga ng cargo truck sa Butuan City noong Abril 10, 2021. Retrato mula sa Butuan City Disaster Risk Reduction and Management Office

BUTUAN CITY – Patay ang isang 16 taong gulang na lalaki habang sugatan naman ang kaniyang kasamahan matapos mabangga ng cargo truck sa Barangay Sumilihon madaling araw ng Sabado.

Bandang alas-3 ng madaling araw nang mabangga ng truck sina Rodhneil Tano at ang 18 anyos na si Klint Galve, na noo'y naglalakad sa slow lane ng national highway, ayon sa mga awtoridad.

Nagtamo ng matinding sugat si Tano, na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay, habang patuloy namang nagpapagaling sa ospital si Galve.

Hindi pa nagbibigay ng paliwanag ang driver ng cargo truck kaugnay sa pagbangga sa mga binatilyo pero kasalukuyan na siyang nasa kustodiya ng pulisya.

– Ulat ni Charmane Awitan

FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.