TINGNAN: Ano ang ginagawa ng militar sa narerekober na bomba sa Marawi?

ABS-CBN News

Posted at Apr 11 2018 03:54 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Patuloy na nakaka-rekober ang militar ng mga bombang hindi pa sumasabog sa main affected area sa Marawi City.

Ipinakita pa nila kung paano kalakas sumabog ang mga bomba na ito sa ABS-CBN News.
    
Simula pa noong Nobyembre ng nakaraang taon, nagdi-dispose na ang mga sundalo ng mga narerekober na unexploded ordnance at improvised explosive device (IED) sa siyudad.

Anila, 80 porsiyento nang malinis sa mga pampasabong ang main affected area.

Pero kailangan pa ring mag-ingat dahil maaaring may mga pampasabog pang hindi nakukuha sa ilalim ng mga gumuhong gusali.

"Ito po 'yung last clearing operation natin sa Sector 9. Kung matatandaan niyo, natapos na natin 'yung Sector 1 then Sector 2, ngayon nasa Sector 3 then continue po 'yung ating clearing operation para ma-meet natin yung timeline ng before the ground breaking schedule on May 16," sabi ni Major Pal Miondas ng 103rd Brigade.

Ngayong linggo, nasa Sector 3 at 4 na ang Kambisita sa Marawi at hanggang Mayo 9 pa ang schedule nito.

Paalala ng mga awtoridad sa mga residente, kung may makitang pampasabog ay huwag itong galawin at i-report agad sa kanila.

--Ulat ni Angelo Andrade, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.