Kasambahay na kumagat sa 'dugo-dugo' gang, pinakulong ng amo | ABS-CBN
News
Kasambahay na kumagat sa 'dugo-dugo' gang, pinakulong ng amo

ABS-CBN News
Published Apr 11, 2018 06:22 PM PHT
|
Updated Apr 11, 2018 07:51 PM PHT
Ipinakulong ang isang kasambahay sa Maynila matapos itong makumbinsi ng umano'y miyembro ng "dugo-dugo gang" na ibigay ang pera at mga relo ng kaniyang amo na nagkakahalaga ng halos P3 milyon.

Kuwento ng 57 anyos na si Victoria Dela Rosa, habang nasa trabaho ang kaniyang amo, nakatanggap siya ng tawag mula sa isang taong nagsabing naaksidente ang kaniyang among babae.

Inutusan siya ng kausap na buksan ang kuwarto ng kaniyang amo para kuhanin ang pera.

Minartilyo pa ni Dela Rosa ang naka-lock na pintuan ng kuwarto upang mabuksan ito.

ADVERTISEMENT
Sa isang botika sa may Tayuman, nakipagkita si Dela Rosa sa isang babae para iabot ang laman ng safe.

Sinabihan umano siya ng babaeng katagpo na maghintay pero hindi na ito bumalik makalipas ang ilang oras.

Batay sa ulat ng pulisya, P300,000 cash at anim na mamahaling relo ang nakuha mula sa safe. Nasa halos P3 milyon ang kabuuang halaga na nakuha mula sa mga biktima.

Sa rogue's gallery ng pulisya, o iyong koleksyon ng mga larawan ng mga kawatan, positibong kinilala ni Dela Rosa ang babaeng kumuha umano ng mga pera at relo.

Itinuro ni Dela Rosa ang isang Mary Joy Padua na, ayon kay Senior Police Officer 1 Jayjay Jacob ng Manila Police, may kaso noong 2015 at dati nang nakulong dahil sa "dugo-dugo" modus.

Tumanggi naman magpaunlak ng panayam ang amo ni Dela Rosa, na pinagsilbihan umano ng kasambahay sa loob ng 11 taon.

Nahaharap ang kasambahay sa kasong qualified theft.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
modus
krimen
dugo-dugo gang
qualified theft
kasambahay
Manila
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT