Barangay kagawad, arestado sa drug raid sa Sarangani | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Barangay kagawad, arestado sa drug raid sa Sarangani

Francis Canlas,
ABS-CBN News
Published Apr 11, 2017 11:12 PM PHT

MALAPATAN, Sarangani — Arestado sa pinagsamang operasyon ng Sarangani Police at Philippine Drug Enforcement Agency Region 12 si kagawad Al Sambaga ng Barangay Sapu Masla sa bayang ito.

Martes ng madaling araw nang pasukin ng awtoridad ang kanyang bahay at nasamsam ang limang sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa isang gramo at may katumbas na halagang P7,500.

Kumpiskado rin ang kanyang kalibre-.45, dalawang magazine, at mga bala.

Mariing itinanggi ni Sambaga na sangkot sya sa iligal na droga at sinabing siya mismo ang nagpakulong sa kanyang anak nang masangkot sa ipinagbabawal na gamot.

"Iyong baril, siyempre barangay official ako. Self-defense namin sa bahay. Pero iyong drugs, inosente talaga ako dyan," ani Sambaga.

Aminado rin siyang hindi lisensyado ang kanyang baril.

Giit naman ng kanyang misis na si Ellen, bago pa man dumating ang opisyal ng barangay at iba pang testigo, may mga armadong kalalakihan na ang pumasok sa kanilang bahay.

"Nagdapa kami. Tapos iyong pitong tao pumasok na doon sa kwarto. Binungkal nila nang binungkal. Walang ilaw, patay man iyong ilaw, tapos lumabas sila. Hindi ko na alam. Iyong pangalawang search nila doon na dumating na iyong kapitan. Nagbalik sila doon tapos sabi ko, 'Sir di ba nag-search na kayo,' " aniya.

Ayon naman sa PDEA 12, kabilang sa high value target list ang suspek na miyembro pa ng barangay drug abuse council (BADAC).

"We are relying sana on the functionality of BADAC, parang katulong natin sa pagsugpo ng illegal drugs. Kaso si barangay kagawad pala on his second term, isa pa lang drug personality,” ani Kath Abad, tagapagsalita ng PDEA 12.

Arestado naman sa hiwalay na drug raid si Robinson Mong na isa umanong tulak sa Barangay Lun Padidu sa bayang ito rin.

Kalahating gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,750 ang nasamsam ng mga pulis sa kanya.

Itinatanggi rin ni Mong ang mga akusasyon laban sa kanya.

Sinampahan na sina Sambaga at Mong ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Haharap rin si Sambaga sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.