ALAMIN: Fishing grounds para sa mga apektado ng oil spill | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Fishing grounds para sa mga apektado ng oil spill

ABS-CBN News
Published Apr 10, 2023 01:42 PM PHT
|
Updated Apr 10, 2023 10:38 PM PHT

(UPDATE) Maaari nang makabalik sa paghahanapbuhay ang mga mangingisda ng Oriental Mindoro na naapektuhan ng fishing ban bunsod ng oil spill.

Ito'y matapos tukuyin ang mga lugar na puwedeng magsilbing alternative fishing grounds habang umiiral pa rin ang ban sa mga katubigang sapul ng langis, ayon kay Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor.

Ayon kay Dolor, base sa impormasyon mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), puwedeng magsilbing alternative fishing ground para sa commercial vessels ang Mindoro Strait, Cuyo Pass sa Palawan, Tablas Strait sa Romblon at Tayabas Bay sa Quezon province.

Para naman sa municipal boats, maaari umanong mangisda sa Paluan, Abra de Ilog, San Jose at Magsaysay sa Occidental Mindoro, at sa may Marinduque area.

ADVERTISEMENT
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, magbibigay ng fuel subsidy ang gobyerno sa mga mangingisda pero hindi pa tukoy ang halaga.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Department of the Interior and Local Government sa mga lalawigang sakop ng mga natukoy na alternatibong fishing ground.

"What we will do, we will coordinate now with different governors 'yun sa request, I’m sure papayag naman 'yon," ani Abalos.

Samantala, nailagay na ng remotely operated vehicle (ROV) ang 5 special bag sa mga leak sa MT Princess Empress para makuha ang tumatagas na langis.

Nagsimula ang proseso - na tinatawag na bagging - noong Marso 31.

Pero ayon kay Dolor, 5 leak lang ang nalagay ng special bag mula 11 dahil nahihirapan ang ROV na maglagay ng special bag kaya magkakaroon ng ibang proseso na tinatawag na "hot tapping."

Pero manggagaling pa sa ibang bansa ang panibagong equipment kaya posibleng magtagal pa umano bago makuha lahat ng langis na natitira sa lumubog na oil tanker.

Nagdala rin ngayong Lunes ang mga opisyal ng DILG at Metro Manila Development Authority ng relief goods sa mga residente ng Pola, Oriental Mindoro na naapektuhan ng oil spill.

Dala nila ang water purifier na kayang magtanggal ng langis sa tubig para mainom ito. Hanggang ngayon kasi'y bawal pa rin uminom ng tubig mula sa mga poso ang mga nakatira sa mga lugar na apektado ng oil spill.

Kaya umanong makapagproseso ng water purifier machine ng 180 gallon ng inuming tubig kada oras.

Sinuspende naman ni Pola Mayor Jennifer Cruz nang 2 linggo ang pasok sa Pola Community College dahil sa hinaing ng mga magulang na walang maipangtustos sa pag-aaral ng mga anak dahil sa kawalan ng hanapbuhay dulot ng fishing ban.

Nakikipag-ugyanan umano ang provincial government sa mga karatig-probinsya upang makapangisda sa kanilang mga dagat.

Ani Cruz, walang malinaw na kasunduan o paliwanag mula sa pamunuan ng marine tanker kaugnay ng kompensasyon kaya hindi pumapayag ang Pola na tanggapin ang alok na kompensasyon.

Magkakaroon naman ng special module at hindi kailangang pumasok sa eskuwelahan ang mga elementary at high school student na anak ng mga mangingisda at nagtitinda ng isda.

Ayon kay Dolor, magbibigay din ang provincial government ng P3,000 financial assistance sa mga college student na apektado ng oil spill. — Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
mangingisda
fishing
Oriental Mindoro
oil spill
BFAR
rehiyon
regions
regional news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT