Magpinsan nahulihan ng umano'y shabu sa Camarines Sur checkpoint | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magpinsan nahulihan ng umano'y shabu sa Camarines Sur checkpoint

ABS-CBN News
Published Apr 10, 2020 12:15 PM PHT

CALABANGA, Camarines Sur — Arestado sa checkpoint dito noong Huwebes ang magpinsang sakay ng motorsiklo matapos umano silang makuhanan ng hinihinalang shabu.

Ayon sa ulat ng pulisya, pasado alas-10 ng gabi nang magtangkang dumaan ang magpinsan sa checkpoint, pero dahil sa ipinatutupad na community quarantine at curfew ay sinita sila.

Nagpanggap pa umanong "person under monitoring" ang isa sa mga suspek bilang katuwiran ng kanilang paglabas pero hindi ito nakapagbigay ng pruweba.

Sa gitna ng inspeksiyon, bigla na lang daw may tinangkang itapon ang isa pang suspek, at nang siyasatin ito ay natuklasang ilegal na droga pala.

Doon na inaresto ang magpinsan. Natuklasan pang peke ang binigay na pangalan ng mga ito.

Patong-patong na kaso ang haharapin ng magpinsan, kabilang ang reklamong paggamit ng fictitious name at paglabag sa ordinansa sa curfew at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

—Ulat ni Mylce Mella, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT