SAPUL SA DASHCAM: SUV bumangga sa bisikleta, 2 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2018 11:40 AM | Updated as of Jan 25 2019 07:03 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sugatan ang isang babae at isang lalaki matapos silang mabangga ng isang SUV habang sakay ng bisikleta sa Tondo, Maynila.

Binabagtas ng SUV ang kahabaan ng Abad Santos papuntang Binondo, Maynila nang biglang bumulaga ang isang bisikleta sakay ang 2 tao.

Sa bilis ng pangyayari, hindi na nakapagpreno ang SUV kaya nabangga ang bike. Sa lakas ng pagbangga, tumilapon ang mga sakay ng bisikleta.

Naiiyak pa ang babaeng sakay nang ma-rescue habang paika-ika ang lalaki. Kaagad silang dinala sa ospital nang dumating ang ambulansya.

Nang tingnan ang dashcam video ng SUV, nakita na green o naka-go ang stoplight sa kanilang dinaraanang kalsada.

"Beating the red light 'yung mga naka-bike....Tapos bigla na lang itong mga mananawid nakipagsapalaran. Malaking tulong din 'yang dashcam, nakita niyo na-monitor natin," Ani Inspector Roger Reyes, deputy commander ng Moriones Station.

Tumanggi nang magbigay ng pahayag ang parehong kampo. May payo naman ang mga pulis sa mga biyahero.

"Paalala namin dito lalo na kung gabi eh mag-iingat sila, lalo na 'yung mga nakabisikleta. Dapat visible sila eh. Kasi di mo masisisi naman 'yang mga nakasasakyan," ani Reyes.

Dinala na sa traffic division ang driver ng SUV. Nasa traffic division na kung may magiging pananagutan ang driver ng SUV o wala.

--Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.