Leatherback sea turtle natagpuang patay sa dalampasigan sa Aklan

ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2021 12:12 PM

Leatherback sea turtle natagpuang patay sa dalampasigan sa Aklan 1
Naaagnas na ang Leatherback sea turtle nang matagpuan sa dalampasigan ng Makato sa Aklan. Larawan mula kay John Patrick Rotaquio

Isang Leatherback sea turtle ang natagpuang patay sa dalampasigan ng Barangay Baybay sa bayan ng Makato sa Aklan, Huwebes ng hapon.

Ayon sa mga residente na unang nakakita sa pawikan, posibleng may ilang araw na itong patay at napadpad lamang sa kanilang lugar dahil sa naagnas na ang ilang bahagi ng katawan nito.

Kaagad namang ipinagbigay-alam ng mga residente ang patay na pawikan sa mga awtoridad.

Kaagad na ipinalibing ang pawikan matapos masuri ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa Makato.