MAYNILA - Mahigit 200 pawikan ang pinakawalan sa dagat sa Naic, Cavite Miyerkoles.
Pinangunahan ng Philippine Coast Guard- Cavite ang pagpapakawala ng mga pawikan sa Naic, Cavite.
Nasa 203 na pawikan o sea turtles ang pinakawalan sa pampang sa Barangay Labac.
Kabilang ang mga pawikan sa endangered species ayon sa World Wildlife Fund.
Ayon kay Lt. Michael John Encina, Commander ng Philippine Coast Guard Cavite, hindi dapat mapabayaan ang kalikasan kahit may pandemya.
Galing ang mga pawikan sa isang hatchery na nag-alaga sa mga itlog mula pa noong Disyembre.
Nakakuha ng pawikan ranger ng Naic ang mga itlog ng pawikan sa Barangay Bancaan.
Katuwang ng PCG sa aktibidad ang local na pamahalaan ng Naic, barangay officials at Philippine Army.
Ito ang unang pagkakataon na ginawa ang aktibidad sa Cavite at balak na ipagpatuloy ng ahensya.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.