2 quarantine facility sa pantalan sa Maynila, Bataan ginawang COVID-treatment centers | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 quarantine facility sa pantalan sa Maynila, Bataan ginawang COVID-treatment centers

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Apr 09, 2021 06:28 AM PHT

MAYNILA—Nakatakdang gamitin bilang mga COVID-19 isolation center simula Biyernes ang 2 quarantine facility na pinatatakbo ng Philippine Ports Authority (PPA) sa Manila South Harbor at sa Port Capinpin sa bayan ng Orion, Bataan.

Ayon sa Department of Transportation, tugon ito sa kakulangan ng pasilidad para sa mga nagkasakit ng COVID-19 sa gitna ng pagkapuno ng mga ospital sa NCR Plus area.

2 port-based quarantine facilities in Manila & Orion, Bataan will open as isolation centers for #COVID19 patients beginning this April.
Dept. of Transportation says this is to augment medical facilities amid the overcapacity of many hospitals in NCR Plus.
(📸:DoTr/PPA) pic.twitter.com/4ppXPW4bUm
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) April 8, 2021

Unang ginamit ang mga ito bilang tuluyan ng mga umuwing seafarer at overseas Filipino workers na isinailalim sa 14-day quarantine.

May 211 cubicles ang Eva Macapagal Super Terminal sa Pier 15.
May 211 cubicles ang Eva Macapagal Super Terminal sa Pier 15.
ADVERTISEMENT
Isang taon na mula nang i-convert ang terminal sa treatment facility.

Nasa iba-ibang zone ang mga cubicle at may kasamang portable toilets, modular showers at iba pang pasilidad.
Nasa iba-ibang zone ang mga cubicle at may kasamang portable toilets, modular showers at iba pang pasilidad.
2 port-based quarantine facilities in Manila & Orion, Bataan will open as isolation centers for #COVID19 patients beginning this April.
Dept. of Transportation says this is to augment medical facilities amid the overcapacity of many hospitals in NCR Plus.
(📸:DoTr/PPA) pic.twitter.com/4ppXPW4bUm
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) April 8, 2021
2 port-based quarantine facilities in Manila & Orion, Bataan will open as isolation centers for #COVID19 patients beginning this April.
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) April 8, 2021
Dept. of Transportation says this is to augment medical facilities amid the overcapacity of many hospitals in NCR Plus.
(📸:DoTr/PPA) pic.twitter.com/4ppXPW4bUm
Kaya namang tumanggap ng hanggang 124 na pasyente ang Port Capinpin Quarantine Facility, na binuksan noong October 2020 para sa mga seafarer.

Kabilang sa capacity nito ang 25 cubicle para sa high-risk individuals, hiwalay na nurses station, at 2 kuwarto na may bunk beds para sa mga medical frontliner.

Manggagaling sa Department of Health ang mga kagamitan at tauhan para sa operasyon ng mga isolation facility.

Nagsagawa rin ng iba-ibang inspeksyon para malaman ang iba pang kakailanganin para sa pag-convert ng mga pasilidad.

Tiniyak ng PPA na magpapatupad sila ng mahigpit na protocols para sa kaligtasan ng mga ia-admit na pasyente.

Read More:
Department of Transportation
DoTr
COVID-19 facility
quarantine facility
isolation facility
quarantine
Philippine Ports Authority
PPA
Eva Macapagal Super Terminal
Pier 15
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT