4,600 kilo ng isda pinamigay sa isang bayan sa Maguindanao

Arianne Apatan, ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2020 11:31 AM | Updated as of Apr 09 2020 12:02 PM

MANGUDADATU, Maguindanao- Nasa 4,600 kilo ng isda ang ipinamigay sa mga residente ng Mangudadatu bilang ayuda sa mga residenteng apektado ng krisis dulot ng COVID-19.

Kabilang sa mga isdang pinamigay ay ang tilapia, haluan, at taruk. Araw-araw ang pamamahagi ng isda simula pa noong Abril 2.

Ayon kay Mangudadatu Mayor Elizabeth Tayuan, binili nila ang mga isda sa mga mangingisda sa kanilang bayan na apektado rin ang kabuhayan dahil sa community quarantine.

“Isa sa mga pangunahing hanapbuhay ng aming bayan ay ang pangingisda at isa rin po ito sa mga produktong aming pinagmamalaki,” ani Tayuan.

Una nang namahagi ng mga relief goods, hygiene kits, at vitamins ang lokal na pamahalaan.

Wala pang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bayan ng Mangungudadatu.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.