Pawikan natagpuan sa baybayin ng Pangasinan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pawikan natagpuan sa baybayin ng Pangasinan

Pawikan natagpuan sa baybayin ng Pangasinan

Noriel Padiernos,

ABS-CBN News

Clipboard

BOLINAO, Pangasinan—Nailigtas ng mga mangingisda ang isang pawikan na napadpad sa baybayin ng Barangay Luciente sa bayang ito noong Linggo.

May habang mahigit 30 pulgada at lapad na 20 pulgada ang pawikan na nalambat ng mangingisdang si Dino Casta.

Dahil alam niyang bawal hulihin ang mga pawikan, agad niyang ipinaalam sa awtoridad ang insidente.

Pansamantalang dinala sa pangangalaga ng Bolinao Marine Laboratory ang pawikan. Masigla ito at hindi nakitaan ng sugat.

ADVERTISEMENT

Ayon sa researcher ng University of the Philippines Marine Science Institute, maaaring napadpad sa baybayin ang pawikan dahil sa paghahanap ng pagkain.

"Posible naghahanap siya ng nesting ground, or most likely food dahil sea grass ang pagkain nila, and may sea grass bed tayo dito sa Bolinao," paliwanag ng researcher na si Vanessa Diamante.

Nagpapasalamat naman ang marine laboratory sa komunidad dahil hindi kinatay o ibinenta ang pawikan, na mahigpit na ipinagbabawal sa Wildlife Conservation and Protection Act of 2001.

Hindi matukoy ang edad ng nailigtas na pawikan pero nabubuhay sila nang hanggang 150 taon. Itinuturing din silang endangered species, at madalas na biktima ng poaching o ilegal na paghuli.

Bukod sa pawikan, may ilang dolphin at butanding din ang napapadpad sa karagatan ng Pangasinan, na hudyat umano nang masiglang marine biodiversity sa lugar.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.