'I love Xi Jinping': Duterte nagpasalamat sa Tsina pero 'di aatras sa usaping teritoryo' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'I love Xi Jinping': Duterte nagpasalamat sa Tsina pero 'di aatras sa usaping teritoryo'

ABS-CBN News
Published Apr 09, 2018 10:40 PM PHT
|
Updated Jan 24, 2019 02:34 PM PHT

Muling makahaharap ni Pangulong Duterte sa kaniyang pagpunta uli sa Tsina ang kaniyang itinuturing na matalik na kaibigan na si President Xi Jinping sa isang bilateral meeting sa Martes, Abril 10.

"I just simply love Xi Jinping. He understands my problem. He's willing to help. I'd like to say thank you, China (Mahal ko si Xi Jinping. Naiintindihan niya ang suliranin ko at handa siyang tumulong. Maraming salamat sa Tsina)," ani Duterte.

Inaasahang sesentro ang usapan ng dalawang pinuno sa kooperasyon para sa lalong pagpapatatag ng ekonomiya ng rehiyon pati na ang banta ng terorismo.

Pero sa kabila ng magandang relasyon ng pangulo sa Tsina, hindi raw mangingimi si Duterte na banggitin ang isyu ng sigalot sa South China Sea kung kinakailangan.

ADVERTISEMENT
Lalo na ngayong ikinakasa sa pinag-aagawang teritoryo ang pagkakaroon ng joint exploration ng dalawang bansa.

"I am into the business. I am not going into a war... In the meantime, I need the resources of my country to make the people comfortable," ani Duterte.

Sa kanilang pulong, ilang kasunduan din ang nakatakdang lagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, kabilang na ang loan agreement para sa Chico River Dam Project at ang kasunduang magbubukas ng pinto para sa mas maraming Pinoy English teachers sa Tsiina.

Nakatutok din ang buong mundo sa magiging usapan sa Boao Forum for Asia na nagsusulong ng globalisasyon at economic integration sa gitna ng pangamba sa umiigting na tensiyon sa pagitan ng Amerika at Tsina pagdating sa kalakalan.

Sa Martes din nakatakdang magsalita ang pangulo sa opening plenary ng Boao Forum.
Sa Martes din nakatakdang magsalita ang pangulo sa opening plenary ng Boao Forum.
ADVERTISEMENT
Itinuturing itong isang magandang oportunidad ni Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana para ipagmalaki ng pangulo ang kaniyang mga programa at repormang pang-ekonomiya.

Nakatakda ring makipagpulong ang pangulo sa mga malalaking Chinese businessmen kung saan inaasahang lalagdaan din ang ilang kasunduang pangnegosyo.

Pagkatapos ng meeting ng pangulo sa Hainan, China ay tutulak naman siya papuntang Hong Kong kung saan makikipagpulong siya sa Filipino community roon.

-- Ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
Pia Gutierrez
balita
bilateral meeting
pulong
abroad
overseas
China
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT