Buwaya, hinuli ng mga residente sa isang barangay sa Palawan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Buwaya, hinuli ng mga residente sa isang barangay sa Palawan

Buwaya, hinuli ng mga residente sa isang barangay sa Palawan

Rex Ruta,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 08, 2021 04:37 PM PHT

Clipboard

Photo Courtesy: Alpha News Philippines

BALABAC, Palawan - Nahuli ng mga residente sa Barangay Salang ang isang buwaya na ilang beses nang namiminsala sa naturang lugar, Huwebes.

"Hinuli po ‘yan ng mga uncle ko dahil ang dami na pong kinakain ditong mga alaga naming hayop," ayon kay Christine Sunio, pamangkin ng humuli sa buwaya.

Makailang beses na rin umano na mayroong hinuhuling buwaya sa kanilang lugar at pinapatay ng mga tao dahil salot sa kabuhayan.

"Sinusubukan po namin nga sir na maipa-rescue ang buwaya at maalis na po doon sa Salang," dagdag ni Sunio.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), hindi dapat basta-basta hinuhuli ng mga residente ang buwaya dahil maaaring sila ang madisgrasya.

"Mayroon tayong personnel doon sa Balabac na mako-contact para tingnan ‘yan," ayon kay Forester Jovic Fabello, tagapagsalita ng PCSD.

"Ang posible diyan ay ipa-release din ang buwaya agad-agad dahil kung iko-custody pa natin yan baka mamatay lang ang buwaya," aniya.

Pakiusap din ng PCSD sa mga residente na gumawa ng paraan para makaiwas sa human-crocodile conflict lalo na kung may sightings ng buwaya sa isang lugar.

Kung mayroong mga alagang hayop ay dapat na ilagay ito sa tamang kulungan para hindi mapinsala ng buwaya, aniya.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.