Pagbabakuna ng AstraZeneca sa mga edad 59 pababa pinahihinto muna ng FDA | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagbabakuna ng AstraZeneca sa mga edad 59 pababa pinahihinto muna ng FDA

Pagbabakuna ng AstraZeneca sa mga edad 59 pababa pinahihinto muna ng FDA

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Ipinahihinto muna ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagtuturok ng natitira pang AstraZeneca vaccines sa mga indibidwal na may edad 59 pababa.

Ito ay dahil sa mga ulat na nagdudulot umano ito ng pambihirang blood clot sa ilang nabakunahan sa Europa.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, naghihintay lang sila sa ngayon ng mas malinaw na ebidensiya at gabay mula sa World Health Organization bago muli ipagamit ito.

"Nakita ng European Medicines Agency ay mayroong very, very rare 'no, kasi out of 200 million na mga nabakunahan ng AstraZeneca, mayroon pong parang mga 16 cases na tinitingnan nila na possible connected nga po noong blood clotting saka iyong pagbaba po ng platelet," ani Domingo.

ADVERTISEMENT

"Tsinek ko po sa ating National Adverse Events Following Immunization Committee, wala naman daw po tayong kaso nari-report na ganito, na pagbaba ng platelet at saka po thrombosis dito sa atin," dagdag niya.

Wala pa aniyang kaparehong insidente nito sa bansa.

Giit naman ng FDA na hindi nangangahulugang hindi ligtas o hindi epektibo ang bakuna ng AstraZeneca.

Nag-iingat lang umano ang gobyerno para matiyak ang kaligtasan ng mga tatanggap ng bakuna.

Isa ang AstraZeneca sa mga bakunang may emergency use authorization - na rekisito para magamit ito sa bansa.

Aabot sa 1 milyong AstraZeneca vaccines ang inaasahang darating sa bansa ngayong ika-2 quarter ng taon.

Ang AstraZeneca lang noon ang ginagamit sa mga senior citizen na 60 anyos pataas. Pero dahil limitado ang suplay nito, inaprubahan ng FDA ang paggamit ng bakunang Sinovac sa mga senior kahit kulang ang ebidensiya na epektibo ito sa mga matatanda.

Nagpaalala naman ang ilang eksperto na hindi dapat gamitin ang Sinovac sa mga senior na may malubhang sakit.

Sinabi ni Domingo na makukumpleto ang pagsusuri bago ma-schedule ang pagpapaturok ng ika-2 dose ng AstraZeneca.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, oras na dumating na ang maraming bakuna sa bansa ay kaya na ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na magbakuna ng nasa 120,000 Pilipino kada araw.

-- Ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.