17 lokalidad sa Quezon province isinailalim sa GCQ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

17 lokalidad sa Quezon province isinailalim sa GCQ

17 lokalidad sa Quezon province isinailalim sa GCQ

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 08, 2021 08:53 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE) - Inilagay na sa general community quarantine ang 16 na bayan at 1 lungsod sa Quezon province mula Abril 7 hanggang 21.

Napagkasunduan sa pagpupulong na isinagawa ng pandemic task force ng probinsiya na ilalagay ang mga sumusunod na lugar sa GCQ:

  • Tayabas City
  • San Antonio
  • Infanta
  • Macalelon
  • Candelaria
  • Gen. Nakar
  • Dolores
  • Sariaya
  • Lucban
  • Real
  • Pagbilao
  • Tiaong
  • Guinayangan
  • Polillo
  • Mauban
  • Alabat
  • Gumaca

Ang mga hindi nabanggit na lokalidad sa lalawigan ay mananatili sa mas maluwag na Modified General Community Quarantine or MGCQ.

Sa pagbilis ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, hiniling na ni Quezon Governor Danilo Suarez sa regional inter-agency task force na isailalim sa GCQ ang buong probinsiya.

ADVERTISEMENT

Sa ilalim ng GCQ, limitado ang galaw ng tao at para lang sa mga essential na gamit at serbisyo ang mga establisimyentong bukas. Kabilang dito ang transportasyon, veterinary clinics, bangko, energy sector, telecommunication companies, funeral at embalming services, at law services.

Mandatory ang pagsusuot ng face mask at face shield kapag nasa labas ng bahay at pampublikong lugar.

Hindi papayagan ang entertainment, recreational venues at amusement parks.

Ipinauubaya sa mga local chief executives ang pagpapatupad ng curfew. Samantala, ang trabaho sa public office ay hanggang 30 porsyento na capacity lang.

Papayagan naman ang religious gathering hanggang sa 30 porsyento ng venue capacity.

Ang essential workers at authorized persons outside residence (APOR) lang ang papayagang maglabas-pasok sa mga bayan basta't may ipapakitang ID.

Kailangan namang sumunod ang mga darating na OFW sa ipinatutupad na protocol.

Ayon kay Dr. Grace Santiago, provincial health officer ng Quezon, kapansin-pansin daw ang pagtaas ng bilang ng bagong kaso ng coronavirus doon.

Aabot sa 827 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsiya, batay sa datos na inilabas ng lokal na pamahalaan alas-10 ng umaga ng Huwebes.

"Pansinin po natin, pag-start pa lang po ng taon, nagtaas po... And then, bumaba. Pero tumaas po ulit siya. Ayaw po nating ma-reach po yung peak ng 2020," paliwanag ni Santiago na suportado ang estriktong lockdown.

"Umuulit po yung ating pattern. Instead na pababa po tayo, bababa, tataas. Nao-overwhelm na po ang ating mga healthcare workers at health care facilities," aniya.

Sa tala naman ng Public Information Office ng Quezon, simula April 1, mahigit 500 na ang naitalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa probinsya.

Naitala ang pinakamaraming kumpirmadong kaso sa Lucena City, na kabisera ng probinsiya, na may 1,691 kaso.

Pinakamarami naman ang aktibong kaso sa bayan ng Sariaya, na may 125 active cases.

Daanan ang mga nasabing probinsiya ng mga sasakyan na byaheng pa-Bicol region.

- May ulat ni Andrew Bernardo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.