2 nalunod sa family outing sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2018 09:21 AM | Updated as of Jan 21 2019 07:05 PM

Makikita sa larawang ito ang emergency room ng Theresita Lopez Jalandoni Provincial Hospital sa Silay City, kung saan isinugod ang 2 magka-anak na nalunod. ABS-CBN News

SILAY, Negros Occidental - Nauwi sa trahedya ang summer outing ng ilang mga magkamag-anak matapos malunod ang 2 sa kanila sa Brgy. Kapitan Ramon sa lungsod na ito, Sabado ng hapon.

Natangay ng malakas na alon ng ilog si Georgina Pesante, 57, at sinubukan siyang sagipin ni Reynaldo Oredina, 53, pero nabigo ito at nadala rin ng tubig, ayon sa pulisya.

Naisugod pa sa ospital ang 2 biktima, pero kapwa idineklarang dead on arrival.

Ulat ni Meneil Lopez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.