7 anyos na babae patay matapos halayin; suspek na 'ninong' ng bata, arestado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

7 anyos na babae patay matapos halayin; suspek na 'ninong' ng bata, arestado

7 anyos na babae patay matapos halayin; suspek na 'ninong' ng bata, arestado

Jeff Caparas,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 07, 2023 03:38 PM PHT

Clipboard

Inaresto ng pulisya ang suspek sa panghahalay na kinilalang ninong pa ng biktima. ABS-CBN News
Inaresto ng pulisya ang suspek sa panghahalay na kinilalang ninong pa ng biktima. ABS-CBN News

CAVITE — Natagpuan na walang saplot at nag-aagaw buhay ang isang pitong taong gulang na batang babae sa gilid ng ilog sa Barangay Cabuco, Trece Martires, Cavite.

Sa imbestigasyon, Huwebes nang makita ng mga napadaang residente sa lugar ang suspek. Ayon sa hepe ng barangay na si Elmer Desingaño sinubukang habulin ng mga nakakita ang suspek.

"May nakakita hong may bata ditong nakahiga, kumbaga sinita ho noong nakakita kung anong ginagawa ng lalaki. Tapos noong nakitang may nakahigang bata, 'yung lalake tumakbo. Hindi na nasundan noong nakakita kasi 'di niya naman alam kung ano'ng ginawa," ani Desingaño.

"Noong malayo na ho 'yung lalaki, nakita 'yung bata, nandito agaw-buhay. Wala hong damit eh, wala hong saplot talaga."

ADVERTISEMENT

Agad nilang dinala sa ospital ang bata pero binawian din ng buhay kalaunan.

Agad naman nagkasa ng man hunt at follow-up operation ang Trece Martires PNP.

Ayon kay P/Lt. Colonel Jonathan Asnan, ang hepe ng pulisya, napag alamang ninong ng biktima ang suspek at posibleng hinalay nito ang bata.

"Itong batang ito ay ninong niya itong suspek at nag stay po itong ninong niya sa tatay ng biktima. Nag inuman po sila magdamag hanggang kinabukasan at 'yung tanghali din pong iyon, dinala niya sa may ilog 'yung bata at doon na niya hinalay at sinakal yung bata," sabi ni Asnan.

Matapos ang higit kumulang 20 oras, sa tulong ng mga impormante ay naaresto ang suspek sa katabing bayan ng Dasmariñas.

Aminado siya sa nagawa at humingi ng tawad sa pamilya ng biktima.

"Humihingi po ako ng sorry sa pamilya sa nangyari na ano dun sa bata. 'Di ko din naman po yun ginusto at dala lang din po ng sobrang kalasingan. Sana po mapatawad niyo pa rin po ako kahit nagkamali po ako at nagkasala.

"Sana, sir, kulong na lang ako. 'Wag na nila ako gawan ng masama na patayin. Kulong na lang po nila ako, sir," sabi ng suspek.

Hindi naman matanggap ng pamilya ang paghingi ng tawad ng suspek.

"Diyos na po ang bahala sa kanya. Alam ko po siya ay nadakip na pero hindi pa rin sapat na kabayaran 'yun para mapagbayaran 'yung ginawa sa kapatid ko," ayon sa nakatatandang kapatid ng biktima.

Problemado rin sila sa gagastusin sa burol at libing. Panawagan nila, tulungan sila ng gobyerno lalo na sa pagpapauwi ng ina na OFW sa Saudi Arabia.

“Masyadong masakit," dagdag ng kapatid. "Nanawagan ako sa OWWA, sa gobyerno na sana mapauwi nang maaga ang nanay ko, kailangan ko po ang nanay ko sa ngayon. Tulungan niyo po kami mapauwi ang nanay para makaramay po namin dito sa nangyayari."

Hindi na nagbigay ng pahayag ang ama ng biktima na siyang kainuman ng suspek nang mangyari ang krimen.

Kasong rape with homicide ang kasong isasampa sa suspek.

Napag alaman namang dati nang nakulong ang suspek sa kasong illegal possesion of firearms.

Nakakulong na ang suspek sa detention facility ng Trece Martires PNP.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.