11 pang barangay sa QC isinailalim sa 'extreme enhanced community quarantine' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

11 pang barangay sa QC isinailalim sa 'extreme enhanced community quarantine'

11 pang barangay sa QC isinailalim sa 'extreme enhanced community quarantine'

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 07, 2020 09:08 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Nadagdagan pa ang bilang ng mga barangay sa Quezon City na isinailalim sa "extreme enhanced community quarantine" (EECQ) para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.

Sa huling tala ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, 11 pang barangay ang nadagdag sa naturang listahan:

  • Manresa
  • Paltok
  • Sto.Domingo
  • Bagong Silangan
  • Holy Spirit
  • Payatas
  • Marilag
  • Socorro
  • Kamuning
  • Pinyahan
  • San Isidro Labrador

Hindi pa malinaw kung buong barangay o mga bahagi lang nito ang isinailalim sa EECQ.

Isinailalim sa EECQ lugar kung saan nakatira ang may higit 2 magkakahiwalay na positibong kaso ng COVID-19.

ADVERTISEMENT

Matatandaan na ang iba pang mga barangay na nauna nang isinailalim sa EECQ ay ang mga sumusunod:

  • BL Crame
  • Bahay Toro
  • Batasan Holls
  • Culiat
  • E. Rodriguez
  • Kalusugan
  • Maharlika
  • Marilag
  • Matandang Balara
  • Paligsahan
  • Pasong Tamo
  • R. Magsaysay
  • San Isidro Galas
  • San Roque
  • South Triangle
  • Tandang Sora
  • Tatalon
  • Teachers Village West

Ayon sa QC LGU, ang mga nabanggit na barangay na isinailalim sa EECQ ay batay sa rekomendasyon ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit.

Sa ilalim ng EECQ, magpapatupad ng mahigpit na monitoring at surveillance sa mga nabanggit na lugar.

Babantayan ng mga pulis, barangay officials, at health workers ang mga quarantine checkpoint sa lugar.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.