Marcos bumaba nang 4 na puntos, Robredo umangat nang 9 na puntos sa Pulse Asia survey | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Marcos bumaba nang 4 na puntos, Robredo umangat nang 9 na puntos sa Pulse Asia survey

ABS-CBN News
Published Apr 06, 2022 07:41 PM PHT

Patuloy na nanguna si dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos sa mga kandidato sa pagkapangulo sa pinakabagong election survey na inilabas ngayong Miyerkoles ng Pulse Asia.

Base sa survey, 56 porsiyento ng mga respondent ang nagsabing iboboto nila si Marcos kung idaraos ang halalan sa panahon ng survey mula Marso 17 hanggang 21.

Pero patuloy mang nanguna, natapyasan nang 4 na puntos ang numero ni Marcos sa March 2022 survey, na may 2,400 respondent at margin of error na ±2 porsiyento.

Tumaas naman ang puntos ni Vice President Leni Robredo, na 24 porsiyento nitong Marso, mula sa 15 porsiyento noong Pebrero.

ADVERTISEMENT
Pinakamalaking nabawas kay Marcos ang suporta ng nasa Class D na mula 61 porsiyento, naging 56 porsiyento. Bumaba rin sa Class E na ngayo'y 52 porsiyento mula 58 porsiyento.

Bumaba rin ang puntos ni Marcos sa National Capital Region, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.

Si Robredo naman, umakyat ang numero sa Visayas at Mindanao, at Class C, D at E.

Pero para kay Pulse Asia Research Director Maria Ana Tabunda, hindi "significant" ang bawas-puntos ni Marcos.

"It's not a significant drop. It's probably just some voters still making up their minds," ani Tabunda.

Samantala, 8 porsiyento naman ang nagsasabing iboboto nila si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, mababa nang 2 puntos sa dating 10 porsiyento.

Bumaba rin nang 2 puntos si Sen. Manny Pacquiao, na 6 porsiyento na ngayon.

Nanatili namang 2 porsiyento ang nagsasabing iboboto nila si Sen. Panfilo Lacson habang halos hindi gumalaw ang numero ng iba pang kandidato.

Ayon kay ABS-CBN Data Analytics head Edson Guido, maaaring hindi pa sinasalamin ng survey ang resultang lalabas sa Mayo.

"Hindi pa talaga ito 'yong final posibleng positioning ng presidential aspirants," ani Guido.

"Exact same time 6 years ago, si President Duterte, hindi pa siya leading pero 'yong trajectory ni President Duterte... ay pataas," dagdag niya.

Samantala, sa pagka-vice president, nanguna pa rin si Sara Duterte, na tumaas sa 56 porsiyento ang dating 53 porsiyentong rating.

Sinundan siya ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III na may 20 porsiyento at Sen. Francis "Kiko" Pangilinan na 15 porsiyento.

May 5 porsiyento naman si Willie Ong at 1 porsiyento si Lito Atienza.

"The next few weeks would be crucial pagdating sa changes if 'yong mga humahabol, kailangan talaga nila mag-gain ng traction sa numbers," ani Guido.

Hindi naman apektado ng survey results sina Lacson at Sotto.

"I’m not disturbed by the surveys kasi sabi namin, lahat ng mga rallies na pinupuntahan namin, 'yong direct engagement to the people. We’ll stick to that," ani Lacson.

Kinumpara naman ni Pacquiao ang bilang ng survey respondents sa milyon-milyong rehistradong botante ng bansa.

Sinabi naman ni Domagoso na patuloy pa rin ang kampanya at didirekta pa rin sa taumbayan.

Kasabay naman ng pagkilala ng kampo ni Marcos sa resulta ang paniniyak na tuloy lang ang kanilang trabaho hangga't hindi naabot ang target na 70 porsiyento.

Kumpiyansa naman ang kampo ni Robredo na hudyat ang survey ng dire-diretsong pag-arangkada hanggang Mayo 9.

— Ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
halalan 2022
election
eleksyon
eleksyon 2022
Philippine election
poll
Pulse Asia
survey
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT