FACT CHECK: 'Di totoong sinabi ng anak na dating nalulong sa droga si Marcos | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: 'Di totoong sinabi ng anak na dating nalulong sa droga si Marcos

FACT CHECK: 'Di totoong sinabi ng anak na dating nalulong sa droga si Marcos

Bayan Mo,

Ipatrol Mo

 | 

Updated Dec 13, 2024 09:59 PM PHT

Clipboard

FACT CHECK

Mali at manipulado ang social media quote card ni William Vincent Marcos, anak ni presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr., tungkol sa pahayag umano nito na dating nalulong sa droga ang kaniyang ama.

Sa kumakalat na quote card na hango umano sa isang interview ni Boy Abunda, pinalabas na sinabi ng nakababatang Marcos na, “He was an addict but not anymore. He has no plans yet about his platforms but for sure he’ll figure it out soon. Also I have never seen him hurt a fly when he was using cocaine. He was an addict but still a good man.”

Subalit wala sa anumang bahagi ng interview ni Abunda ang nagpapakitang sinabi ito ng batang Marcos.

Ipinalabas noong Marso 9 ang interview kay William Vincent, kilala rin bilang “Vinny”, kasama ang kaniyang inang si Louise “Liza” Araneta-Marcos para sa report ni Abunda na “The Interviews Of The Wives And Children Of The 2022 Presidential Candidates.”

ADVERTISEMENT

Sa pahayag ni Abunda na inilabas sa kaniyang official Facebook page noong Abril 2, tinawag niya ang quote card na “false and manipulated content.”


Mapapanood ang buong interview sa mag-inang Marcos sa YouTube channel ni Abunda.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.