PatrolPH

Sekyu patay matapos makaladkad ng truck sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2021 03:04 PM

Sekyu patay matapos makaladkad ng truck sa Davao City 1
Patay ang isang security guard matapos makaladkad ng truck ang sinaskayan niyang motorsiklo sa Davao City noong Abril 5, 2021. Retrato mula sa Bunawan police

DAVAO CITY – Patay ang isang security guard matapos makaladkad ng cargo truck ang sinasakyan niyang motorsiklo sa Barangay Tibungco noong gabi ng Lunes.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nag-overtake umano ang motorsiklo sa truck, na kasama niya sa iisang lane, pero natumba ito.

Ayon sa truck driver, nag-full brake siya pero dahil sa lapit ng distansya, nakaladkad niya ang driver ng motorsiklo na sanhi ng pagkamatay nito.

Posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng cargo truck.

-- Ulat ni Hernel Tocmo

 FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.