Bahagi ng gusali sa Makati nasunog | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bahagi ng gusali sa Makati nasunog

Bahagi ng gusali sa Makati nasunog

Wheng Hidalgo,

ABS-CBN News

Clipboard


MANILA - Nasunog ang isang bahagi ng isang gusali sa Makati City, Martes ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), mag-aalas-3 ng hapon nang sumiklab ang apoy sa ika-15 palapag ng Vernida 4 Building sa Leviste Street.

Ayon sa manager ng isang restaurant sa ibaba ng building na si Sandy Aborde, may narinig silang tila pumutok saka sila sinabihan na may nasusunog sa itaas ng building.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mabilis nagligpit ng mga importanteng dokumento si Aborde at itinago ang kita ng restaurant bago lumabas ng gusali.

ADVERTISEMENT

Agad din nilang kinansela ang mga online order dahil kailangan na nilang lumabas.

Sabi naman ni SFO4 Judy Saberon ng BFP Makati, umabot ang sunog sa second alarm kaya maraming bombero ang rumesponde mula sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila kaya mabilis ding naapula ang apoy.

Idineklara ng BFP ang fire out ng 3:36 p.m.

Bagama't nagtalsikan sa kalye ang mga basag na salamin mula sa nasunog na bahagi ng gusali, walang nasaktan o namatay sa sunog.

Iniimbestigahan ng BFP kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga natupok na gamit.

Hindi muna pinahintulutan ng BFP na bumalik sa loob ng gusali ang mga empleyado dahil hindi pa raw ligtas.

Ayon kay Saberon, may mga repair na ginagawa sa opisina sa 15th floor at maaaring may kinalaman sa kuryente ang ugat ng sunog.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.