12 nasagip mula sa tumaob na bangka sa dagat sa Cavite City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

12 nasagip mula sa tumaob na bangka sa dagat sa Cavite City

12 nasagip mula sa tumaob na bangka sa dagat sa Cavite City

Lady Vicencio,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA—Palutang-lutang sa dagat sa Cavite City ang 12 sakay ng isang tumaob na bangka bago sila nasagip ng mga awtoridad nitong lunes.

Pasado alas-7 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang Philippine Coast Guard-Cavite mula sa mga nagpapatrolyang mga kasamahan para ireport ang insidenteng nangyari walang isang kilometro ang layo mula sa Sangley Point.

Pauwi na sana sa Las Piñas ang pamilya ni Erwin Ferrer na nagdiwang ng kaniyang 60th birthday sa Cavite at nagsilbing kapitan ng bangka.

Sa imbestigasyon, lumaki ang alon sa dagat habang naglalayag sila bandang alas-5 ng hapon.

ADVERTISEMENT

Bagamat maganda ang panahon, maaaring nakaapekto sa alon ang pagpalit ng temperatura, ayon kay Lt. Michael John Encina ng PCG Cavite.

Malaking tulong din ang suot na life vest ng mga pasahero kaya naisalba ang lahat ng sakay kahit ilan sa kanila ay may edad na at meron ding mga bata.

Ligtas nang nakauwi sa Las Piñas ang mga sinagip na inihatid sa Las Piñas ng Coast Guard Rescue Team.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.