Mga kabataan, magulang nahuling nag-‘Easter swimming’ sa Bacoor Bay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga kabataan, magulang nahuling nag-‘Easter swimming’ sa Bacoor Bay

Mga kabataan, magulang nahuling nag-‘Easter swimming’ sa Bacoor Bay

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA—Naaktuhang nagsisipaglangoy at naglalaro sa dagat sa lungsod ng Bacoor, Cavite, ang mahigit 50 kabataan at maging kanilang mga magulang nitong Easter weekend.

Dinampot at ipinauwi ang 44 na menor de edad at 10 nasa tamang edad na nahuli sa iba-ibang bahagi ng Bacoor Bay mula nitong Biyernes Santo hanggang Linggo.

Isinagawa ang maghapong mga operasyon ng mga tauhan ng Bacoor City Agriculture Office-Deputy Fish Warden (DFW) at ng Philippine Coast Guard (PCG) Bacoor.

Ayon kay Joshua Villaluz, agricultural technologist-fishery law enforcement ng Agriculture Office, balak sana ng grupo na mag-abiso lang sa mga residenteng iwasang maligo sa baybayin dahil sa lockdown.

ADVERTISEMENT

Ipinagbabawal lumabas sa ilalim ng enhanced community quarantine ang mga kabataang edad 14 pababa.

Bawal ding lumabas ang mga nasa edad 15-65 kung hindi authorized worker o kukuha ng essential goods.

Pero sabi ni Villaluz, napansin nila ang pagdagsa ng mga tao lalo na ang kabataan sa paliguan, marami pa ang walang dalang face masks.

Kaya isinama na sila pabalik sa 3 barangay na nakasasakop sa lugar—ang Zapote 5, Zapote 1, at Digman.

Ipinaubaya ng mga enforcer sa mga barangay kung paano didisiplinahin ang mga nahuling kabataan.

Patuloy naman ang pagpapatrol sa dagat ng DFW at PCG para magpaalala ng pagsunod sa health protocols at sumita ng mga lalabag sa lockdown.

Ngayong ECQ, tanging mga mangingisda ang pinapayagan ng grupo na bumiyahe sa dagat.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.