Lalaki, patay matapos saksakin sa loob ng mall sa QC | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki, patay matapos saksakin sa loob ng mall sa QC

Lalaki, patay matapos saksakin sa loob ng mall sa QC

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 06, 2018 08:02 AM PHT

Clipboard

Michael Rey Severino

MAYNILA (UPDATED) - Patay ang isang lalaki nang pagsasaksakin ng isang computer technician sa kainitan ng kanilang pagtatalo sa loob ng isang mall sa Quezon City Huwebes ng gabi.

Nagtamo si Geroldo Ramon Querijero, 56-anyos, ng nasa 8 saksak sa katawan.

Ayon sa paunang imbestigasyon ni Supt. Carlito Mantala, hepe ng Masambong Police Station, pumunta ang biktima sa isang computer service center ng mall para kunin ang ipinagawang laptop.

Pero hindi ibinigay ng head technician na kinilalang si Leo Laab dahil hindi dala ni Querijero ang resibo kung saan nakalagay ang job order.

ADVERTISEMENT

Nauwi ito sa mainitan na pagtatalo ng dalawa.

Umalis pansamantala si Querijero pero nang bumalik ay dumiretso ito kay Laab.

Ayon sa pulisya, una umanong nanuntok si Laab sa biktima.

Gumanti naman si Querijero at binato niya ang suspek ng bote ng tubig.

Ikinagulat ng lahat nang biglang naglabas ng kutsilyo si Laab at inundayan ng saksak ang biktima.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit hindi na ito umabot nang buhay.

Magkahalong galit at hinagpis naman ang naramdaman ng asawa ng biktima.

Napag-alaman na binili sa loob mismo ng mall ang kutsilyo na ginamit ni Laab.

Nanawagan ang pamilya ni Querijero sa pamunuan ng mall na makipagtulungan sa imbestigasyon.

Patuloy na tinutugis ng mga pulis ang nakatakas na suspek. - ulat ni Isay Reyes at Fred Cipres, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.