36 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa QC | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

36 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa QC

36 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa QC

ABS-CBN News

Clipboard

Sumiklab ang sunog sa residential area sa Barangay North Fairview, Quezon City nitong madaling araw ng Abril 5, 2021. Video mula kay Nikki Cabana

MAYNILA – Tinatayang nasa 36 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumama sa Barangay North Fairview, Quezon City nitong madaling araw ng Lunes.

Bandang alas-2 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog, na naapula makalipas ang 2 oras.

Inihahanda naman na ng barangay ang modular tents sa covered court na magsisilbing pansamantalang tuluyan ng mga biktima.

Ayon kay Manny Chua, chairman ng Barangay Fairview, may pagkain din silang ipapamigay para sa mga nasunugan.

ADVERTISEMENT

Nanawagan din ng tulong ang mga biktima ng sunog tulad ng yero kahoy at semento para muli nilang maitayo ang kanilang mga bahay.

Samantala, sa Las Piñas City, natupok ang tinatayang P100,000 halaga ng ari-arian at kalakal sa sunog sa isang junk shop at katabi nitong apartment sa Barangay Pamplona Uno.

Ayon sa bantay ng junk shop at residente ng apartment na si Ricardo Flores, ginising siya ng kaniyang anak bandang ala-1 ng madaling araw dahil sa sunog.

Naapula ang sunog makalipas ang halos 2 oras.

Ayon sa mga bombero, posibleng napalakas ang apoy dahil sa iba-ibang mga kalakal tulad ng mga bote at papel na nakatambak sa junk shop.

Iniimbestigahan pa ang naging sanhi ng sunog.

Nagpaalala naman si Fire Insp. Maria Luisa Sancha Andrade, hepe ng intelligence and investigation unit ng Bureau of Fire Protection sa Las Piñas, sa publiko na maging maingat sa mga kawad ng kuryente sa bahay o opisina.

"Alamin natin 'yong electrical wirings natin kung nasa ayos ba 'yon, baka sira na pala," aniya.

"Iwasan din natin ang mga wire na patungan ng mga papel o flammable material kasi 'pag nag-spark doon pwede magsimula ang apoy," dagdag niya.

– Ulat nina Lyza Aquino at Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.