Special raffle sa mga kaso vs Daraga mayor Baldo, hiniling ng DOJ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Special raffle sa mga kaso vs Daraga mayor Baldo, hiniling ng DOJ

ABS-CBN News
Published Apr 05, 2019 11:46 PM PHT
|
Updated Apr 06, 2019 12:31 AM PHT

MAYNILA - Hiniling ng Department of Justice (DOJ) na magkaroon ng special raffle ang Legazpi Regional Trial Court (RTC) sa mga kasong isinampa laban kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi naisagawa kahapon ang pag-raffle para malaman kung kaninong hukom mapupunta ang mga isinampang 2 counts ng murder at 6 na counts ng frustrated murder laban kay Baldo at 6 na iba pa.

Wala kasi aniya ang executive judge ng Legazpi RTC kahapon kaya sa halip na maghintay sila sa susunod na Huwebes para sa schedule ng pag-raffle sa mga bagong sampang kaso, hiniling na ng DOJ ang special raffle sa Lunes.

Ang mga kaso laban kay Baldo ay kaugnay ng pagkakapaslang kay Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe noong Disyembre 22, 2018. - Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Read More:
Tagalog news
Department of Justice
DOJ
Daraga
Albay
mayor
Carlwyn Baldo
Rodel Batocabe
murder
frustrated murder
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT