Pananim na mais, gulay sa Davao City apektado ng dry spell | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pananim na mais, gulay sa Davao City apektado ng dry spell

Andoreena Causon,
ABS-CBN News Davao
Published Apr 05, 2019 06:40 PM PHT

DAVAO CITY - Nanghihinayang ngayon ang mga magsasaka ng mais at gulay sa Barangay Riverside, Calinan District dito sa siyudad sa pagkasira ng kanilang mga pananim dahil sa tagtuyot.

Sa 3-ektaryang maisan ng isang may-ari, kalahati sa mga pananim ang hindi na maaani dahil walang laman ang mga bunga ng mais.

“Noong nakaraang buwan lagi kaming nagdidilig, pero hindi na nahabol,” ayon sa caretaker na si Ariel Caguiel.

Isang beses na lang din sa isang linggo nakaka-ani ng gulay ang magsasakang si Danilo Embac.

ADVERTISEMENT
Mula P4,000 na kita kada linggo, P500 na lang ang kinikita ngayon matapos maapektuhan ng matinding init ang kaniyang pananim na talong, siling labuyo, sitaw at okra.

Ayon sa City Agriculturist's Office, pinaka-apektado ng tagtuyot ang mais, gulay at upland na palay.

“Ini-encourage namin ang mga magsasaka na magtanim ng root crops gaya ng gabi at kamote na resistant sa drought,” sabi ni Ramon Lingatong Jr., municipal agricultural officer.

Naglagay na rin sila ng small farm reservoir para sa patubig habang pinoproseso na rin ang financial assistance para sa mga apektadong magsasaka mula sa Philippine Crop Insurance Corporation.