PatrolPH

Lalaking nasa ‘most wanted’ list dahil sa umano’y pagpatay huli sa Leyte

ABS-CBN News

Posted at Apr 04 2021 02:54 PM

Natimbog ng mga awtoridad nitong gabi ng Sabado sa Isabel, Leyte ang isang lalaking dawit umano sa pagpatay sa isang negosyante noong nakaraang taon.

Itinuturing na ikalawang “most wanted” sa Ormoc City ang suspek na si Nestor Peñalos, 50, na nahuli bandang alas-11 sa Barangay Apale sa bayan ng Isabel, ayon kay Police Maj. Salvador Po.

Lalaking nasa ‘most wanted’ list dahil sa umano’y pagpatay huli sa Leyte 1

Hinuli si Peñalos sa bisa ng warrant para sa kasong murder na ibinaba ng Ormoc City Regional Trial Court Branch 35 noong Marso 17.

Dawit ang suspek sa umano'y pagpatay sa isang fishpond owner noong nakaraang taon, ayon sa pulisya.

Walang inirekomendang piyansa ang korte kay Peñalosa.

– Ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.