Motorcade ng Nazareno ikinasa sa Biyernes Santo: Quiapo Church | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Motorcade ng Nazareno ikinasa sa Biyernes Santo: Quiapo Church

Motorcade ng Nazareno ikinasa sa Biyernes Santo: Quiapo Church

ABS-CBN News

Clipboard

Imahe ng Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand sa Maynila kasabay ng Pagdiriwang ng Itim na Nazareno noong Enero 9, 2023. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File
Imahe ng Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand sa Maynila kasabay ng Pagdiriwang ng Itim na Nazareno noong Enero 9, 2023. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

May ikinakasang motorcade ang Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church sa Maynila sa Biyernes Santo, sabi ngayong Lunes ng opisyal ng simbahan.

Ayon kay Fr. Earl Allyson Valdez, attached priest ng Quiapo Church, magsisimula ang motorcade alas-12:01 ng hatinggabi at susunod sa parehong panuntunan na ipinatupad noong nakaraang taon.

Isasakay ang imahe ng Itim na Nazareno sa sasakyan, na bawal akyatin ng mga deboto, ayon kay Valdez.

Hindi rin umano sasabay ang mga tao sa Poon at sa halip ay hinihikayat silang humanap ng puwesto kung saan nila puwedeng hintayin ang pagdaan ng imahe.

ADVERTISEMENT

"Ang ideya po natin sa motorcade ay hindi po sasabay ang tao sa galaw ng Poon. Kung maaari po ay makahanap sila ng isang puwesto na kung saan sila ay makahihintay po sa pagdaan ng ating mahal na Poon," ani Valdez.

Hindi rin umano pahihintulutan ang mga deboto na magbato at magpahid ng tuwalya sa Poon.

Watch more News on iWantTFC

Sa ngayon, inaayos pa ang ruta ng motorcade, na karaniwang dumadaan sa mga kalsada sa paligid ng Quiapo Church, ani Valdez.

Tuloy naman aniya ang pagpila sa "Papugay" sa likod ng simbahan, gaya ng nakagawian.

Tuloy din ang ibang aktibidad ng simbahan para sa Semana Santa gaya ng "Huling Hapunan" mula Huwebes Santo hanggang Sabado de Gloria, ayon kay Valdez.

Wala naman umanong misa sa Biyernes Santo pero magkakaroon ng prusisyon sa paglibing ng Santo Entierro at pagpupugay sa krus.

— Ulat ni Hannahlyn Tomaquin, ABS-CBN News intern

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.