Pulis, kaniyang ama tiklo sa QC buy-bust | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis, kaniyang ama tiklo sa QC buy-bust

Pulis, kaniyang ama tiklo sa QC buy-bust

Ernie Manio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 03, 2019 10:54 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Arestado ang isang pulis, kaniyang ama, at ang kinakasama ng isang kaanak sa buy-bust operation sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City Martes ng gabi.

Nakuha sa mga suspek ang 5 sachet ng hinihinalang shabu, isang hindi lisensiyadong baril, at drug paraphernalia.

Ayon kay Police Lt. Col. Alex Alberto ng Quezon City Police District (QCPD) Station 3, target ng operasyon ang kaanak ng pulis at kinakasama nito na dati nang nahuli dahil sa pagtutulak.

"Sadly, bumabalik pa rin sila sa dating gawi," aniya.

ADVERTISEMENT

Nakatakas ang kaanak ng pulis habang nahuli silang 3, kasama ang kaniyang ama.

"Alam ko naman po na ang papa ko gumagamit. Pinapatigil ko siya," depensa ng pulis.

Nakatalaga ang pulis sa Malabon at may ranggong patrolman.

"Alam pala niya ang ilegal na gawain ng ama niya dapat isinuplong niya," dagdag ni Alberto.

Ayon sa mga taga-barangay, ginagamit umano ng pamilya ang kanilang bilyaran bilang front para sa kanilang mga parokyano.

"Front lang nila ito pero totoo nagbebenta sila ng droga," ani Nestor del Rosario, Ex-O ng Barangay Pasong Tamo.

Kakasuhan ng reklamong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Mahaharap din ang pulis sa kasong administratibo at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.