Insidente ng teenage pregnancy sa bansa, kumaunti | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Insidente ng teenage pregnancy sa bansa, kumaunti

ABS-CBN News
Published Apr 03, 2018 09:45 PM PHT

Higit isang buwan nang buntis ang 14 anyos na si alyas "Ika" pero aminado siyang hindi pa siya handang maging isang ina.

"Baka hindi ko maingatan 'yung baby ko kasi po hindi ko pa po kaya eh," ayon sa dalagita.

Isa lamang ito sa mga pangamba ni Ika, na kahit nagdadalang-tao ay desidido pa rin ipagpatuloy ang pag-aaral matapos manganak.

Sa datos ng National Demographic and Health Survey (NDHS) na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA), kumaunti ang insidente ng teenage pregnancy sa bansa para sa mga edad 15 pataas, mula sa 57 kada 1,000 buntis o may anak na noong 2013, ngayon ay nasa 47 kada 1,000 ito.

ADVERTISEMENT
Pero giit ng mga ahensiya, hindi daw dapat maging panatag ang sinuman.

Isa ang Zamboanga Peninsula sa may mataas na kaso ng teenage pregnancy.

Ayos sa Commission on Population (POPCOM) doon, problema sa pamilya at impluwensiya ng social media ang ilan sa mga dahilan ng maagang pagbubuntis, kasama na rin ang kahirapan.

Kaya nanawagan ang POPCOM na mas palawakin ang pagtuturo ukol sa family planning.

Ayon naman sa POPCOM sa National Capital Region (NCR), dapat ay magkaroon na rin ng datos para sa mga nabubuntis na edad 14 taong gulang pababa, at kung may pang-aabuso ba na nangyayari.

"Nag-e-evolve din ang issue at nag-e-evolve din ang dahilan [ng teenage pregnancy]," ani Joyce Dela Paz, POPCOM assistant regional director for NCR.

Ayon naman sa Department of Health (DOH), maraming risk ang pagbubuntis nang maaga.

"Paano nila palalakihin ang bata? Ang pinansiyal na pangangailangan ng kanilang anak, paano? Some would even drop out from school," ani DOH Assistant Secretary Lyndon Lee Suy.

Mas maganda rin daw na isama sa pag-aaral sa eskuwelahan ang epekto at responsibilidad ng pagiging magulang.

"Ang mga batang ito may access sa internet, sa mga pelikula. Nago-Google nila 'yan...Pero pinakamagandang magbigay pa rin ng payo at gabay ang mga magulang," dagdag ni Suy.

--Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
teenage pregnancy
Department of Health
DOH
National Demographic and Health Survey
NDHS
Philippine Statistics Authority
PSA
data
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT