Negosyante, binaril ang kasintahan dahil sa selos | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Negosyante, binaril ang kasintahan dahil sa selos

Negosyante, binaril ang kasintahan dahil sa selos

Dianne Dy,

ABS-CBN News

Clipboard

Nagselos umano ang suspek na si Silver Agudong habang nakikipag-inuman at binaril nito ang kaniyang kasintahan. PNP handout photo

LAOAG CITY - Arestado ang 57-anyos na negosyanteng si Silver Agudong sa pamamaril sa kanyang 25-anyos na kasintahan noong Biyernes sa Laoag City, Ilocos Norte.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, habang nakikipag-inuman ang magkasintahan at mga kasamahan nito sa labas ng boarding house ng biktima, nag-selos ang suspek at binaril si Laylen Ramiro.

"Nag-away sila at nang pumasok sa loob ng boarding house, dito na binaril ang biktima," ayon kay police Chief Inspector Bernardo Cerezo.

Isang tama sa tiyan ang tinamo ng biktima na nagpapagaling na sa ospital.

ADVERTISEMENT

"Nang nagresponde kami, nakuha namin sa suspek ang caliber .45 na ginamit niya sa pamamaril na may 10 bala," dagdag ni Cerezo.

Tumanggi naman na magbigay ng reaksyon ang negosyante sa pangyayari.

Humaharap ito sa kasong paglabag sa frustrated murder at Republic Act 10591 o New Firearms Law.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.