Mga terminal ng bus sa EDSA, ininspeksyon bilang paghahanda sa Semana Santa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga terminal ng bus sa EDSA, ininspeksyon bilang paghahanda sa Semana Santa

Jeffrey Hernaez,
ABS-CBN News
Published Apr 03, 2017 12:46 PM PHT

MANILA- Sinimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Lunes ng umaga ang pagiinspeksyon sa mga terminal ng bus bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Semana Santa.

@LTFRB, sinimulan na ang pag-iinspeksyon sa mga bus terminal bilang paghahanda sa Semana Santa. pic.twitter.com/rcPZYS3seK
— jeff hernaez (@jeffreyhernaez) April 3, 2017

Sa pangunguna ni LTFRB board member Aileen Lizada, sinuyod ng mga tauhan ng ahensya ang mga bus terminal sa EDSA.

Unang pinuntahan ang terminal ng Jam Liner na sinundan ng mga terminal ng DLTB at Victory Liner.

Kabilang sa mga tinitingnan ng LTFRB ang mismong ikutan ng mga bus, maayos na sahig sa terminal, malinaw na mga signage, public address system, at CCTV.

Ang mga minor violation ay bibigyan ng hanggang isang linggo para isaayos ang mga pasilidad.

Samantala, umaabot naman sa 1,053 unit ng bus ang inaasahang bibigyan ng special permit ng LTFRB para makabiyahe ngayong Semana Santa.

Mahigit 200,000 pasahero kada araw ang inaasahang dadagsa sa mga terminal nang bus mula Abril 9 hanggang 17.