Sen. Zubiri sinagot ang isyu ng kumalat na video ng ama at ni Marcos Jr. | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sen. Zubiri sinagot ang isyu ng kumalat na video ng ama at ni Marcos Jr.

Sen. Zubiri sinagot ang isyu ng kumalat na video ng ama at ni Marcos Jr.

Rod Bolivar,

ABS-CBN News

Clipboard

Sinagot ni Sen. Juan Miguel Zubiri ang kumakalat na video sa social media na kuha mula sa ginanap na campaign rally ni presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Malaybalay City, Bukidnon nitong Huwebes.

Sa kumakalat na video, makikita na nagsasalita sa mikropono si Marcos nang lapitan siya ni Bukidnon Gov. Jose Maria Zubiri at tinangkang kunin ni Zubiri ang kanang kamay ni Marcos para itaas ito.

Pero tila umiwas si Marcos.

Sa official Facebook page ni Sen. Zubiri, ipinaliwanag nito na "miscommunication" lamang ang nangyari sa pagitan ni Marcos at ng kanyang ama.

ADVERTISEMENT

Sabi ng senador, dapat pagkatapos magsalita ni Marcos ay iwawagayway nito ang bandila ng Pilipinas saka itataas ang kamay ng mga lokal na partido na sumusuporta sa UniTeam.

Dagdag ni Senator Zubiri, sadyang pinutol ang ibang bahagi ng video para hindi makita ang pagtaas ng kamay ng mga lokal na kandidato kasama si Marcos.

Giit din ng senador na mas dapat pagtuonan ng pansin ang dami ng mga tao na dumalo sa rally imbes na gawing isyu ang pinagkakalat na video.

Ang partido ng mga Zubiri na Bukidnon Paglaum Party ang sponsor sa campaign rally ni Marcos sa probisya.

Maliban sa kanilang grupo, sinusuportahan din ng kabilang partido na pinangunguhanan ni Bukidnon 4th district congressman Oneil Roque ang pagtakbo ni Marcos.

Si Roque ang hahamon kay 3rd district representative Manuel Zubiri sa pagtakbo pagka-gobernador.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.