Palengke sa Guagua, Pampanga ipina-lockdown ng mayor | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Palengke sa Guagua, Pampanga ipina-lockdown ng mayor

ABS-CBN News
Published Apr 02, 2021 05:07 PM PHT

MAYNILA — Ipinag-utos ng alkalde ng Guagua, Pampanga ang pagsasara ng kanilang palengke ngayong Biyernes Santo dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa bayan.

Sa COVID-19 bulletin ng Guagua hanggang noong Miyerkoles, may 40 active cases sa bayan.

Sa utos ng LGU, isasara rin ang palengke sa lahat ng Lunes ng Abril at Mayo para bigyang daan ang paglilinis at iba pang disinfection.

Pabor naman ang mga nagtitinda sa lockdown pero aminado silang mahirap ito.

ADVERTISEMENT
"Siyempre mahirap. Hindi ka kikita, hindi ka kakain, pero kung para sa lahat ng tao po nakakatulong, mas maganda po," ani alyas "Ven."

Sa bayan naman ng Apalit, epektibo mula pa noong Marso ang mas maiksing oras ng pamamalengke. Mula 5 a.m. hanggang alas-12 ng tanghali lang ang window hours sa pamamalengke para ma-disinfect ang lugar.

Ipinatupad din ang "No Movement Sunday" kung saan sarado ang lahat ng establisimyento sa bayan maliban na lang sa mga pang-medikal tulad ng botika.

Lalo namang naghigpit ngayon sa Angeles City.

Nitong Marso lang kasi, pumalo sa 711 ang new COVID-19 cases sa lungsod.

Kung manggagaling sa lugar na naka-ECQ, kailangan ng negatibong resulta ng antigen test bago papasukin sa Angeles City.

Pinagbabawal din ang pagbabahay-bahay at dine-in sa lahat ng food establishments.

— Ulat ni Gracie Rutao
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT