Mag-asawang doktor mula Cebu pumanaw dahil sa COVID-19 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mag-asawang doktor mula Cebu pumanaw dahil sa COVID-19

Mag-asawang doktor mula Cebu pumanaw dahil sa COVID-19

Raphael Bosano,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 02, 2020 07:32 PM PHT

Clipboard

Magkasunod na binawian ng buhay dahil sa COVID-19 ang mag-asawang doktor na sina Dennis at Helen Tudtud mula Cebu. Retrato mula sa Facebook ni Deborah Tudtud

Masakit mawalan ng isang magulang pero doble ang hirap para kay DJ Tudtud at sa kaniyang kapatid lalo at parehong mga magulang nila -- na mga doktor -- ang sumuko sa coronavirus disease (COVID-19).

Na-confine sa ospital ang inang si Helen, na may diabetes, noong Marso 17 matapos magpakita ng sintomas ng sakit. Makalipas naman ang 4 na araw, ang amang si Dennis naman ang sunod na in-admit sa ospital.

Dahil immunocompromised, hindi na kinaya ang sakit at binawian ng buhay si Helen noong Marso 27. Makalipas ang 3 araw, sumunod naman si Dennis.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hindi na raw nais alamin ni DJ kung saan o kanino nahawa ang mga magulang. Higit na mas mahalaga ngayon ang alaalang iniwan ng mga magulang at ang kaligtasan ng kaniyang kapatid.

ADVERTISEMENT

"They're really in love. They want to be together in life and even in death, they're inseperable in some way," ani DJ sa panayam ng ABS-CBN News.

Hindi na nalaman ni Helen na nahawa ang kaniyang mister habang si Dennis naman ay patuloy na inaalam ang kondisyon ng misis hanggang sa ma-intubate.

Pero ang mas umantig umano kay DJ ay kung paano na sa kaniyang mga huling sandali, iniisip pa rin ng kaniyang ama ang kapakanan ng mga pasyente nito.

"The last thing he said to me... it was all orders for me to give to his patients. Imagine, hindi 'yong 'I love you' 'yong nasabi niya muna," ani DJ.

"So all his patients pa rin 'yong last words niya for me," dagdag niya.

Ayon sa Philippine Medical Association (PMA), 17 manggagamot na ang nasasawi dahil sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Ayon kay Oscar Tinio, PMA Commission on Legislation chairperson, bagaman naghanda ang pamahalaan kontra COVID-19, tila kinulang pa rin ito dahil na rin sa bilis ng pagkalat ng virus.

"We should have been more proactive. Mayroon naman tayong contingencies and preparations in place. Kaya lang ang ating preparations, na-overwhelm eh. Kinulang talaga," ani Tinio.

"We expect tougher days ahead. Alam namin na hindi ito magiging madali. Hihirap pa ito and we all have to be prepared," dagdag niya.

Ayon pa kay Tinio, walang doktor ang sino mang tatalikuran ang kanilang tungkulin na sumagip ng buhay pero sana raw ay hindi sila pabayaan ng mga may kakayahang tumulong sa kanila.

Para kay DJ, ang pagkamatay ng kaniyang mga magulang ay kabilang sa mga realidad ng pagiging doktor ng mga ito.

Pero ngayong wala na raw sila, hiniling niya na sana hindi na lang ito nangyari.

"It's very hard to forget lalo na it happened just really near my birthday. Then burying my dad on my birthday mismo," ani DJ.

"Sometimes I pinch myself na it's just a dream," aniya.

Umabot na nitong Huwebes sa 2,633 ang dami ng nagpopositibo sa COVID-19 sa Pilipinas matapos makapagtala ang Department of Health ng 322 bagong kaso.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.