7 talampakang sawa natagpuan sa QC | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
7 talampakang sawa natagpuan sa QC
7 talampakang sawa natagpuan sa QC
ABS-CBN News
Published Apr 02, 2019 03:54 PM PHT
|
Updated Apr 02, 2019 03:57 PM PHT

Natagpuan ngayong madaling araw ng Martes ang isang 7 talampakang sawa sa Barangay Batasan Hills sa Quezon City.

Nabulabog ang mga residente nang tumambad sa kanilang lugar ang sawa.

Kuwento ng residenteng si Francis Palamos, abala sila sa burol ng kaniyang ama nang marinig niyang sumisigaw ang kaniyang kaibigan.

“Noong sumigaw na siya (kaibigan) na may ahas bumaba na po talaga ako. Pagkakita ko po talagang malaki, ayun sumigaw ako,” kuwento niya.

ADVERTISEMENT
Sa haba ng sawa, apat ang nagtulong-tulong para maisilid ito sa isang sako at madala sa mga pulis.

Hinala ng mga residente na naligaw lang sa kanilang lugar ang sawa lalo na't wala silang kakilalang nag-aalaga ng sawa sa kanilang lugar.

Nakipag-ugnayan na rin sa Department of Environment and Natural Resources ang mga opisyal para masegurong mailipat sa mas maayos na lugar ang ahas.

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT