Higit P800-M tinatayang mawawala sa kita sa turismo sa Oriental Mindoro dahil sa oil spill | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Higit P800-M tinatayang mawawala sa kita sa turismo sa Oriental Mindoro dahil sa oil spill

Dennis Datu,
ABS-CBN News
Published Apr 01, 2023 04:02 PM PHT

MAYNILA -- Parang ghost town ang mga beach resort sa Barangay Parang sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Ngayon sana ang panahon na maraming mga turista, dahil summer season. Subalit ang inaasahang magandang kita sana ng mga may-ari ng beach resort ay naglaho dahil sa oil spill dulot ng paglubog ng MT Princess Empress.

Ipinagbawal ng provincial government ang paliligo sa dagat matapos bumagsak sa pagsusuri ng DENR-EMB (Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau) na bagsak ang tubig ng dagat sa water quality test.

Ayon kay Dhon Stepherson Calda, Provincial Tourism Officer ng Oriental Mindoro, nasa P200 million na ang halaga ng nawala sa kita sa turismo sa buwan ng Marso dahil sa cancellation ng events, activities and bookings sa mga resorts.

Pero posibleng umabot sa higit P886-M ang mawawalang kita sa turismo kapag tumagal pa hanggang August ang oil spill sa mga bayan ng Bansud, Bongbaong, Bulalacao, Gloria, Mansalay, Naujan, Pinamalayan, Roxas, Pola at Calapan City.

Hindi pa kasama ang Puerto Galera na hindi pa apektado ng oil spill.

"Ang tourist arrival natin before pandemic ay nasa 400,000 and then last year may reported around 350,000 tourist arrivals. So positive sana kami na this year, ma-achieve natin o malalampasan 'yung pre-pandemic tourists. Kaya lang, ito ang problema, itong oil spill," sabi ni Calda.

Umaabot na sa 1,044 tourism workers ang nawalan ng hanapbuhay.

Pero sabi ni Calda, marami pang ibang lugar na hindi beach ang maiaalok ng Oriental Mindoro na pwedeng pasyalan ng mga turista, gaya ng mga cultural heritage sites.

Andyan ang Oriental Mindoro Heritage Museum sa Calapan City kung saan makikita ang mayaman na kasaysayan ng probinsya. Pwede ring saksihan ang mga pagtatanghal ng mga katutubong Mangyan sa Oriental Mindoro Heritage and Cultural Center sa bayan ng Mansalay.

Makikita naman sa bayan ng Pola ang mga Heritage Village kung saan maraming mga lumang bahay na na maihahalintulad sa Vigan. Andiyan rin ang mga ilog sa Infinity Farm ng Bayan ng Baco na dinarayo ng mga turista.

Pwede ring mag-enjoy sa pagsakay sa carabao cart patungo sa Tukuran Falls sa bayan ng Baco.

"Pumunta po kayo sa Mindoro, malinis na malinis po dito sa lugar na ito at sa Puerto Galera po napakasaya po dito ,maeenjoy nyo po dito" sabi ni Abraham Tolentino na turista mula sa Tondo, Manila.

"Sana ang ating mga turista ay bumisita pa rin at ma-experience ang other side ng Oriental Mindoro. Safe pa rin po tayo sa paliligo sa area ng Puerto Galera," ani Calda. "Ang Oriental Mindoro ay maraming products offering na pwede puntahan at yun ang ipinagmamalaki namin."