Hindi totoong gustong paalisin nina Gordon at Pangilinan si Kris Aquino sa Tarlac rally | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Hindi totoong gustong paalisin nina Gordon at Pangilinan si Kris Aquino sa Tarlac rally

Hindi totoong gustong paalisin nina Gordon at Pangilinan si Kris Aquino sa Tarlac rally

Bayan Mo,

Ipatrol Mo

Clipboard

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/news/04/01/fact-check.jpg

Hindi totoong na-stress at gustong paalisin nina Senador Richard Gordon at Senador Francis Pangilinan si Kris Aquino nang sorpresang nagpunta ito sa Tarlac People's Rally sa kabila ng kanyang karamdaman.

Sa post ng isang Facebook user noong Marso 26, may caption ito na “Stress sila sa pagsulpot ni Kris nakasimangot si Gordon at Kiko..gusto na paalisin si Kris.”

Sa pinagdugtong-dugtong na video, makikitang nakasimangot sina Gordon at Pangilinan at pinapaalis si Aquino habang nagsasalita ito.

Ngunit kung papanoorin ang kabuuang nangyari sa ginanap na campaign rally ng Robredo-Pangilinan team sa Tarlac noong Marso 23, makikita na habang nagsasalita si Aquino sumisenyas sina Gordon at Pangilinan sa mga staff na paatrasin si Aquino at kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby sa entablado habang tumuturo sa taas.

ADVERTISEMENT

Agad namang lumapit si Ogie Diaz at iba pang mga staff para sabihan sina Aquino na umatras. Makikita rin ang dalawang senador na lumapit kay Aquino para siya ay paatrasin.

Makikita ring pumalakpak si Pangilinan pagdating ni Aquino sa entablado, habang si Gordon naman ay makikitang nakangiti kay Aquino.

Mapapanood ang buong appearance ni Kris Aquino sa livestream ng Tarlac People's Rally sa official Facebook page ni VP Leni Robredo sa timestamp na 4:08:32-4:37:00.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.