PatrolPH

Lalaking nasa lamay sa Parañaque patay sa pamamaril

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2021 01:20 PM

Lalaking nasa lamay sa Parañaque patay sa pamamaril 1
Patay ang isang lalaking nasa lamay nang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin noong Marso 31, 2021. ABS-CBN News

MAYNILA – Patay ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang nasa lamay sa Parañaque City Miyerkoles ng gabi. 

Nasa lamay ng kanyang kumpare ang biktimang si Florentino Alcantara III, 32, bandang alas-8 ng gabi nang mangyari ang pagpatay.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan ang biktima, na agad niyang ikinamatay.

Hindi bababa sa 4 na basyo ng bala ng hindi pa tukoy na kalibre ng baril ang narekober sa crime scene.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Ma. Victoria Escalante, wala silang alam na kaalitan ng biktima pero dati na itong nakulong sa kasong may kaugnayan sa droga noong 2016.

Naghahanap pa naman ng testigo ang pulisya lalo’t walang gusto magsalita sa mga taong nasa lamay na posibleng nakakita sa pamamaril.

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.