Lalaking nagbebenta ng maliliit na buwaya, timbog sa Davao City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking nagbebenta ng maliliit na buwaya, timbog sa Davao City

Lalaking nagbebenta ng maliliit na buwaya, timbog sa Davao City

Jasper Magoncia,

ABS-CBN News

Clipboard

DAVAO CITY – Arestado sa entrapment operation sa Davao City Lunes ang isang lalaking nagbebenta ng buwaya.

Kinilala ang suspek na si Mark Lester Bringas, 30 anyos at taga-Kapalong, Davao del Norte. Nabili sa kaniya ang 5 maliliit na buwaya at 4 na itlog.

Nakatanggap ng impormasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) Region 11 na mayroong nagbebenta ng hatchlings ng buwaya sa Davao Region.

"Marami nang naibentang buwaya si Bringas dito sa rehiyon. Yung operasyon kanina, ibinenta ito sa halagang P93,000, limang malilit at apat na itlog," ayon sa isang NBI agent.

ADVERTISEMENT

Depensa naman ng suspek, may nagbabagsak lang sa kaniya ng mga buwaya para ibenta.

"Bago pa ako sa transaksiyon na ito, at merong nabigay sa akin nito," ani Bringas.

Naniniwala ang NBI na marami pang kasabwat ang suspek at siya lamang ang inuutusang magbenta ng mga ito.

Ayon kay Rey Coligado, Licenses Patents and Deeds Division ng DENR 11, mula sa crocolidae family ang mga maliliit na buwaya pero hindi pa matukoy kung ano ang species nito kaya ipapasuri muna sa mga eksperto.

Samantala, dinala na sa Davao Crocodile Farm ang mga nakumpiskang buwaya.

Haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Act ang suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.