'Tent charge' sa COVID-19 patients bago ma-admit pinababayaran sa PhilHealth | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Tent charge' sa COVID-19 patients bago ma-admit pinababayaran sa PhilHealth

ABS-CBN News
Published Mar 31, 2021 06:14 PM PHT
|
Updated Mar 31, 2021 09:42 PM PHT

MAYNILA — Nakipag-usap na ang Department of Health (DOH) sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) upang sagutin nito ang bayarin sa COVID-19 tent na sinisingil sa pasyenteng naghihintay ma-admit sa ospital, na karamihan ay punuan na sa ngayon dahil sa panibagong surge.

Sa isang press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega, na siya ring treatment czar, na mismong si PhilHealth President at CEO Dante Gierran ang nangakong tututok sa usapin.

"Iyan ang sinasabi ho namin sa Philhealth na ‘yung mga pasyente hong nasa ER na hindi admitted, dapat meron silang benefits and the hospital can claim. Kasi ngayon ho, 'pag nasa ER ka, hindi ka na-admit eh hindi ka puwedeng mag-claim at saka return claims ang mangyayari," ani Vega.

Nauna nang ibinunyag ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite sa pagdinig sa Kamara noong Martes na umaabot sa P1,000 kada oras ang singil sa pasyente para sa temporary tent habang naghihintay ma-admit sa kuwarto, pero hindi ito sagot ng PhilHealth.

"According to my colleague, umabot ng P140,000 overnight pa lang for staying in the tent and unfortunately, again, this was not covered under the PhilHealth benefit package... Hindi ba dapat i-revisit nila 'yung policy na 'yan? Kasi nga po, hindi na nga nila kasalanan," saad ni Gaite noong Martes.

Paliwang ni PhilHealth acting Senior Vice President Neri Santiago, hindi kasama sa policy o package ng ahensiya ang tent, pero naniniwala siyang dapat ding busisiin ang polisiya.

"Sa ngayon po, hindi po accredited po kasi ‘yung mga tent, wala pong standards for that sa ngayon. So, hindi po talaga siya mako-cover, ‘yung nasa tents po. Kapag po nakapasok na sa hospital, saka lang po iko-cover... Pero kung tutuusin po kasi, it’s a package rate so supposed to be, temporary treatment sa temporary facility na part din ng hospital should be part of the package," ani Santiago.

Para kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi katanggap-tanggap ang malaking bayarin sa tent.

"I cannot countenance a P1,000 per hour charge. Therefore, eight hours, that’s P8,000? Ay, hindi ho tama 'yan. And mayroon po tayong benefit package ng PhilHealth and we have already upgraded these benefit packages to be inclusive of the different levels of accommodation. So, kung naga-antay sila, kailangan bayaran ng PhilHealth," ani Duque.

—Ulat ni Michael Joe Delizo, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
ospital
pagamutan
COVID-19
coronavirus
pandemya
pandemic
healthcare system
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT